Monday, April 12, 2010

Isang Hamon (Challenge not ham... you meat-eaters!)

Isang hamon sa lahat ng mga Pilipinong nagtuturo ng yoga (A Challenge to All Filipino Yoga Instructors).

Ituro ang Pagsaludo sa Araw sa wikang Pilipino (Teach the sun salutation in Filipino).


"Huminga ng malalim at itaas ang mga kamay, ipagtapat ang mga palad, at tumingin sa mga hinlalaki"

"Huminga nang palabas, yumuko at iliyad ang katawan mula sa balakang, ilapat ang mga palad sa sahig ng bahagyang nasa harapan ng mga paa"

"Huminga paloob, iangat ang ulo, tingin sa ilong, at palaparin ang likod"

"Huminga palabas, iyuko ang mga tuhod, at tumalon patalikod tungo sa tikas apat na tungkod"

"Huminga paloob, iangat ang katawan at ihiyad ang likod, at nakaturo sa likod ang mga daliri ng mga paa"

"Huminga palabas, itulak ang katawan palikod, lumiyad mula sa balakang, at itaas ang mga ito patungong kisame, ilapat ang mga paa na may isang talampakan ang lapad mula sa isa't-isa.  Manatili dito ng limang paghinga"

"Pagkatapos ng limang paghinga, humingan palabas, iyuko ang mga tuhod, tumingin paharap at tumalon pabalik sa harap, at ilapag ang mga paa na malapit sa mga kamay"

"Huminga paloob, iangat ang ulo, tingin sa ilong, at palaparin ang likod"

"Huminga nang palabas, yumuko at iliyad ang katawan mula sa balakang, ilapat ang mga palad sa sahig ng bahagyang nasa harapan ng mga  paa"

"Huminga ng malalim at itaas ang mga kamay, ipagtapat ang mga palad, at tumingin sa mga hinlalaki"

"Huminga palabas, pantay na tikas."

"Ulitin ng limang beses"

Smile... the sun is shining brightly.  Don't be too serious with your practice... be sincere... as Tiwariji would always remind us.

3 comments:

C said...

tikas apat na tungkod -- tumpak! panalo ito!

Panindigan mo ito hanggang savasana ha. =p

Avril said...

Oh no, stressful! :D

Unknown said...

Hehehe... nosebleed di ba?